MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Korte Suprema ang disqualification ng Philippine Coconut Producers Federation (COCOFED) party-list.
Ayon sa korte, walang naging pag-abuso sa katungkulan ang Commission on Elections (COMELEC) nang kanselahin nito ang accreditation ng COCOFED dahil sa hindi nito pagsunod sa requirement na magsumite ng kumpletong listahan ng nominee.
Nabatid na hindi nakasunod ang nasabing party-list group sa requirement na magsumite ng limang pangalan ng kanilang nominees bago ang halalan nitong nakaraang Mayo.
Matapos ang eleksyon ay nagsumite sana ng kumpletong listahan ang COCOFED ngunit ayon sa COMELEC, pinal na ang cancellation ng accreditation nito. (Roderic Mendoza / Ruth Navales, UNTV News)