Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

“Tulong Muna, Bago Balita” ng UNTV, kinilala bilang kauna-unahan sa telebisyon

$
0
0
Si Mr. Public Service Kuya Daniel Razon habang tinatanggap ang pagkilala mula sa Movie Writers Welfare Foundation sa pangunguna ng presidente nitong si Ginang Emmy Abuan para sa adbokasiyang Tulong Muna Bago Balita na syang kauna-unahan sa industriya. (ARGIE PURISIMA / Photoville International)

Si Mr. Public Service Kuya Daniel Razon habang tinatanggap ang pagkilala mula sa Movie Writers Welfare Foundation sa pangunguna ng presidente nitong si Ginang Emy Abuan para sa adbokasiyang Tulong Muna Bago Balita na syang kauna-unahan sa industriya. (ARGIE PURISIMA / Photoville International)

MANILA, Philippines – Kinilala ng Movie Writers Welfare Foundation (MWWF) ang news and rescue advocacy ni Kuya Daniel Razon na “Tulong Muna, Bago Balita” bilang kauna-unahan sa kasaysayan ng telebisyon.

Lunes ng umaga, personal na ipinagkaloob ni MWWF president Emy Abuan kay Kuya Daniel ang isang plaque bilang pagkilala sa magaganda nitong adbokasiya para sa kapakanan ng publiko.

Pahayag ng MWWF president, “Ipinagkakaloob din namin ‘yung award dahil sa magagandang adbokasiya nya like ‘yung libreng sakay, libreng edukasyon, yung clinic nya, at tsaka yung news and rescue, yung tulong muna bago balita at ito na nga yung huling na tulong muna bago pasada”

“Well-researched yan. Actually, lalo na ngayon talagang extensive yung aming research dahil dun sa ginagawa naming public service award. Talagang trinaced naming yan eh actually trinaced namin yung buong broadcasting eh kaya nga alam naming maski na yung mobile radio studio nyo eh masasabi nating first ever. Ang kaibahan ng UNTV motivated ng pananampalataya sa Dios,” ani  Ed De Leon na Vice President ng MWWF.

Nagpapasalamat naman si Kuya Daniel sa MWWF sa naturang pagkilala bilang kauna-unahang nagsagawa ng “Tulong Muna, Bago Balita”.

“Umaasa kami na sa pamamagitan din ng mga ganitong bagay ay mas maraming makaalam na we are already doing this, na ito ay binibigyan ng pansin na sinisikap naman nating maipagpatuloy.”

Bukod sa “Tulong Muna, Bago Balita”, umarangkada na rin ang “Tulong Muna, Bago Pasada” kasama ang mga rescue trained na taxi drivers at operators bilang karagdagang pwersa sa pagsagip ng buhay ng mga naaaksidente sa lansangan.

Hinikayat naman ni Kuya Daniel ang lahat ng radio at TV networks na magkaisa sa pagbibigay ng tulong sa ating mga kababayan.

“I would encourage lahat ng networks, sana yung lahat ng mga networks magkatulong-tulong tayo na makapagbigay ng assistance sa ating mga kababayan with regards sa pagre-rescue. Kaya if possible ang bawat station ay magkaroon ng sarili nila na rescue team, maganda, sana dun sa punto na yun ay magkaroon ng pagkakaisa, kung halimbawang mayroon mang mga kompetisyon sa ratings o yung mga iba-ibang malalaking network, siguro maganda na pagdating naman sa pagtulong sa ating kapwa tao maging united naman ang mga networks para mas maraming mga kababayan tayong matulungan.” (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481