Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Laguna News and Rescue team rumesponde sa isang aksidente sa San Pedro

$
0
0

Ang pagresponde ng UNTV News and Rescue team sa isang aksidente sa San Pedro, Laguna noong Sabado ng gabi. (UNTV News)

LAGUNA, Philippines — Nadatnan ng Laguna News and Rescue Team ang dalawang sakay ng motorsiklo na nakaupo at tila nanghihina sa national road sa Barangay Nueva, San Pedro, Laguna noong Sabado ng hating gabi.

Ayon kay Rogelio Perez, driver ng motorsiklo bumangga ang kanilang sinasakayang motorsiklo sa sinusundan nilang pampasaherong jeep matapos umanong biglang kumanan ito na hindi nag-signal.

“Biglang huminto kasi yung jeep dapat magsi-signal siya sa pagilid di ba? Eh, kaso biglang huminto bandang gitna pa eh, pag-anu ko di ko nakayanan ang preno ko tumama ako sa kaniya,” ani Perez.

Tiningnan ng grupo ang dalawang biktima katulong ang San Pedro Rescue Team.

Idinadaing ni Perez ang pananakit ng kaniyang dalawang binti habang naninikip naman ang dibdib ng kaniyang angkas na si Leticia Ocon.

Matapos lapatan ng paunang lunas ay dinala ang dalawa sa San Pedro Jose Amante Sr. Hospital.

Nagtamo ng sugat sa binti at sakong si Jasmine Fe Felisanto siyam na taong gulang nang maipit sa kadena ng motorsiklo dakong alas-11 nitong gabi ng Linggo.

Pauwi na ang bata kasama ang tiyuhin at tiyahin mula sa pamamasyal ng mangyari ng maipit sa kadena ng motor ang sakong ng bata.

Hindi kaagad naihinto ang motorsiklo na minamaneho ng tiyuhin ng bata dahil sa blind curve ang lugar.

Kaagad na nilapatan ng pang-unang lunas ang bata at saka dinala sa Southern Philippines Medical Center. (Sherwin Culubong / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481