Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

“Walang Hanggang Kadakilaan”, tinanghal na ASOP Song of the Week

$
0
0

ASOP Song of the Week “Walang Hanggang Kadakilaan” composer Ferdinand Pua (and Noli Saballa ) at interpreter Bryan Del Rosario. (Madz Milana / Photoville International)

QUEZON CITY, Philippines — Pinalad na makuha ng mga baguhang kompositor mula sa hilagang bahagi ng Amerika ang ikalawang “song of the week” sa buwan ng Mayo sa A Song of Praise o ASOP Music Festival noong Linggo.

Nagtulungan ang magkaibigang sina Noli Saballa at Ferdinand Pua upang mabuo ang awiting “Walang Hanggang Kadakilaan”.

Nadinig ni Ferdinand sa pamamagitan ng modernong komunikasyon ang mga komentaryo ng mga huradong sina hitmaker Trina Belamide, singer-director Jeffrey Hidalgo at Doktor Musiko Mon del Rosario.

Ang naturang awit ay binigyang buhay ng isa sa miyembro ng grupong JBK na si Bryan Del Rosario

“The song is very overwhelming as in. Ramdam na ramdam ko ‘yung song,” pahayag ng interpreter ng “Walang Hanggang Kadakilaan”.

Dinaig nito ang mga awiting “Kalakasan Ko’y Ikaw” ni Carlo dela Cruz na inawit ni Nini Calingo at “Dios ng Lahat’ ni John Anthony Jaboya na inawit naman ng isa sa song bee na si Dan Billano. (ADJES CARREON / UNTV News)

  ASOP 2nd Weekly Finals (May) contestants (Frederick Alvior / Photoville International)

ASOP 2nd Weekly Finals (May) Judges: Mon Del Rosario, Trina Belamide and Jeffrey Hidalgo. (Kenneth Villadolid / Photoville International)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481