Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ground deformation monitoring at precise leveling sa Mt. Bulusan, natapos na

$
0
0

Ang precise leveling at ground deformation monitoring ng mga geodetic engineer ng PHIVOLCS sa Mt. Bulusan na nagsimula noong May 6, 2015. (Allan Manansala / Photoville International)

SORSOGON, Philippines — Tinapos na ngayong araw ng Huwebes ng mga geodetic engineers ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang ground deformation monitoring at precise leveling sa paligid ng Bulkang Bulusan na sinimulan noong nakaraang linggo.

Subalit ayon kay Crispolodio Diolata Jr., resident volcanologist ng PHIVOLCS sa Sorsogon, aabutin pa ng mga ilang araw bago mailabas ang resulta ng ginawang pagsusuri at pagsusukat sa bulkan.

Hindi pa rin tukoy ng ahensya kung gaano karami at kalaki ang ash deposits sa crater ng Mt. Bulusan dahil sa hindi makita sa isinagawang aerial survey dahil sa makapal na ulap.

Ayon pa kay Diolata nakadagdag pa dito ang manaka-nakang pag-ulan sa probinsiya nitong mga nakaraang araw.

Nagpa-alala rin si PHIVOLCS Region 5 Supervisor na si Ed Laguerta sa mga residente sa Brgy. Cogon sa Irosin ng panganib kung patuloy na mag-aalburuto ang Mt. Bulusan at kung mauuwi sa magmatic eruption ang pagsabog nito.

Aniya ang geographical location ng Barangay Cogon ay nasa Valley ng bulkan ibig sabihin ito ang posibleng daanan ng lahar flow mula sa bulkan dala na aanurin ng malalakas na pag-ulan.

Kung mauuwi naman sa magmatic eruption ang Mt. Bulusan dito rin inaasahan na dadaan ang lava na ibubuga ng bulkan.

Ani Laguerta, “Yung Cogon proximity sa volcano and the geographical location, pag sinabing geographical location ang Cogon ay nasa valley, may channel siya sa volcano na diretso sa barangay.”

Samantala, nilinaw naman ni Laguerta na ang nangyaring magkakasunod na lindol na naramdaman sa probinsya ng Sorsogon ay walang kaugnayan sa pag-aalburuto ng Mt. Bulusan. (ALLAN MANANSALA / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481