Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Reporma para sa bayan, dapat isaalang-alang ng taumbayan sa pagpili ng iboboto sa 2016 elections ayon kay Pangulong Aquino

$
0
0

Si Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang pagbibigay ng mensahe matapos magawaran ng doctorate in Humanities (honoris causa) ng Tarlac State University nitong Huwebes, Mayo 14, 2015 sa Malakanyang. (Malacañang Photo Bureau)

MANILA, Philippines — Iginawad ng Tarlac State University kay Pangulong Benigno Aquino III ang parangal na Doctor of Humanities Honoris Causa nitong umaga ng Huwebes sa Malakanyang.

Ito ay bilang pagkilala sa malaking kontribusyon ni Pangulong Aquino bilang isang lingkod bayan mula pa nang siya ay mahalal na kongresista ng Tarlac noong 1998.

Ayon kay Pangulong Aquino, sa nakalipas na halos limang taon ng kaniyang panunungkulan, ilang reporma at programa ang napagtagumpayan ng administrasyon.

Isa na rito ang Conditional Cash Transfer Program at pagpapataas sa kalidad ng edukasyon.

Pahayag ni Pres. Benigno Aquino III, “In the past most subscribe to the idea of the trickle-down effect, to focus on growing the economy and simply hope that the benefits eventually make to the citizenry, my administration has abandoned this way of thinking, our answer to this question lies in the idea of empowerment.”

Sa ilang buwan na lamang na natitira bago matapos ang kaniyang termino, nanawagan ang pangulo sa taumbayan na iboto bilang susunod na pangulo ng bansa ang kandidatong makapagpapatuloy sa kaniyang mga nasimulang reporma.

Pahayag pa ni Pres. Aquino, ‘I’m hopeful that having seen our surges these past four years and 11 months, our countrymen will protect the progress we have made, that before I step down from office, they will have cast their votes for a successor who will build upon our achievements.”

Una nang kinumpirma ni Pangulong Aquino na kinausap niya si Senator Grace Poe na pinaniniwalaan niyang maaaring makapagpatuloy sa kaniyang mga nasimulang reporma, sa kabila nito wala pang pinal na desisyon ang Pangulo kung sino ang magiging standard bearer ng Liberal Party sa 2016 elections. (NEL MARIBOJOC / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481