Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Seguridad sa Metro Manila hihigpitan; social media account, inilunsad ng NCRPO

$
0
0
GRAPHICS: Metro Manila Hotspots and NCRPO Social Media accounts and mobile numbers (UNTV News)

GRAPHICS: Metro Manila Hotspots and NCRPO Social Media accounts and mobile numbers (UNTV News)

MANILA, Philippines — Paiigtingin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagbabantay sa limang hot spots area sa Metro Manila upang mapababa kundi man tuluyang mawala ang kriminalidad.

Kabilang sa tinukoy na limang hotspots ang Baclaran, Cubao, Monumento, Kalentong at University Belt na may pinakamataong lugar sa Metro Manila.

Ayon sa pinuno ng NCRPO na si Chief Supt. Marcelo Garbo, magdaragdag din sila ng 600 pulis sa Metro Manila upang magbantay sa mga nabanggit na lugar.

“Come up to a memo directive to all district directors and ground  commanders to further intensify security measures on vital installations and business establishments, and people and areas where there is high traffic of people because of issues, one is global security alert and the incidents happening in Mindanao,” pahayag ni Garbo.

Naglunsad na rin ang NCRPO ng social media accounts tulad ng twitter, facebook at SMS para sa bukas na komunikasyon sa publiko, 24/7, na maaaring makatulong sa paglaban sa kriminalidad.

“This is very important to the police force so that well have good pictures of the crime situation in the peace and order in Metro Manila.”

Kaugnay nito, binigyan ni Garbo ng tatlong buwan na ultimatum ang mga hepe ng pulisya para mapababa ang krimen sa kanilang nasasakupan.

Aniya, “tayo china-challenge natin ung ating kapulisan, three months, kung hindi magpalitan na tayo.”

Samantala, muli namang tiniyak ng pamunuan ng NCRPO na walang dapat ikabahala ang publiko dahil wala naman silang namo-monitor na pagbabanta sa seguridad sa Metro Manila. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481