AKLAN, Philippines — Bumaba ng sampung porsyento ang crime rate sa Boracay.
Ayon kay PNP-PIO Chief P/SSupt. Bartolome Tobias, mula sa 1086 na krimen na naitala noong nakaraang taon, bumaba ito sa 982 mula January hanggang Abril ngayong taon.
Kabilang sa mga naitalang krimen sa lugar ay robbery at theft sa mga turista.
Nagdagdag rin ng mga tauhan ang PNP at 24/7 na nagpa patrolya sa lugar.
Bukod pa rito ang mas mahigpit na seguridad na ipinatutupad dahil sa isinasagawang Asia Pacific Economic Coordination meeting simula noong May 10 hangang sa May 24.
Pahayag ni PNP PIO Chief P/SSupt. Bartolome Tobias, “There were interventions made both administrative and operational like deployment of additional personnel, adoption of comparative statistics, geographical information system base crime analysis and training of personnel.” (LEA YLAGAN / UNTV News)