Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mapipiling standard bearer ni Pres. Aquino sa 2016 presidential elections, irerespeto at susundin ng Liberal Party — Malacañan

$
0
0

FILE PHOTO: (Left-Right) President Benigno Aquino III, Senator Franklin Drilon, DILG Sec. Mar Roxas

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng Malakanyang na nagkakawatak-watak na ang Liberal Party dahil sa usapin sa magiging standard bearer ng partido sa 2016 elections.

Ayon ay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nananatiling kontrolado ni Pangulong Aquino ang sitwasyon.

“As far as the LP cabinet members, I have spoken to, there is no concern as to a breakup, the president remains firmly on to leadership, in control of the Liberal Party.”

Lumabas ang isyu dahil na rin sa ginawang pakikipag-usap ni Pangulong Aquino kay Senator Grace Poe na isa sa mga tinitingnan ng Pangulo na posibleng makapagpatuloy sa kaniyang mga nasimulang reporma.

Ngunit ilan sa mga miyembro ng partido ay naniniwalang si DILG Secretary Mar Roxas pa rin ang pambato ng Liberal Party para sa 2016 election.

Sinabi ni LP stalwart Senate President Franklin Drilon, na si Roxas pa rin naman ang kanilang pambato sa 2016 ngunit hindi pa nagdedeklara ang kalihim ng kaniyang posisyon ukol dito at sa kabila nito, na kay Pangulong Aquino pa rin aniya ang huling desisyon.

“They will respect, follow and adhere to the decision of the president,” pahayag ni Sec. Lacierda.

Inaasahan naman na sa darating na Hunyo, iaanunsyo na ng pangulo kung sino ang magiging standard-bearer ng administration party sa 2016 presidential elections. (NEL MARIBOJOC / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481