Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga estudyante sa isang paaralan sa Muntinlupa, sinubukan ang mobile earthquake simulator

$
0
0

Ang MMDA Earthquake Simulator habang ipinapasubok sa mga mag-aaral ng Pedro Diaz National High School sa Muntinlupa City nitong umaga ng Lunes, June 01, 2015. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nasa limang libo at limang daang estudyante ang dumagsa sa unang araw ng klase sa Pedro Diaz National High School.

At dahil isa ang naturang paaralan sa mga nahagip ng West Valley Fault, ilan sa gusali nito ang hindi na maaaring ipagamit na classroom ngayong taon.

Pahayag ng punong guro ng naturang paaralan na si Dr. Estrella Aseron, “Ang affected dito sa Pedro Diaz (National High School) ay limang building. Ang apat na building ay talagang transverse ng West Valley Fault. Ang isa naman ay within the buffer zone na 3 meters.”

Ayon pa kay Dr. Aseron, nasa limampung estudyante ang pagkakasyahin muna nila sa isang classroom upang ma-accomodate lahat ng nag-enroll.

Bilang paghahanda naman sa posibilidad ng pagtama ng lindol, dinala ng MMDA ang mobile earthquake simulator sa naturang paraalan.

Ani MMDA Chairman Francis Tolentino, “Dapat ito rin yung modelo kung papaano magiging handa ang isang komunidad dito sa bayanan sa Muntinlupa para kung sa gayong tumama yung 7.6 or 7.2 ay handa yung mga taga dito.”

Pasasalamat naman ng PDNHS principal, “Malaking tulong itong kampanya ng MMDA kasi yung mga nakaraang earthquake drill namin, may ilang mga mag-aaral na hindi sineseryoso. So ngayon, kung makita nila iyan at ma-experience nila, magiging seryoso sila kapag may earthquake drill.”

Samantala, nagsagawa naman ng consultation ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa at PHIVOLCS upang mapaghandaan ang posibleng pagtama ng lindol.

Kabilang sa mga napag-usapan ay ang kung paano mapapatibay o gagawing earthquake resistant ang mga ipatatayong gusaling malapit sa West Valley Fault. (DARLENE BASINGAN / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481