Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Imbestigasyon ng DOJ panel sa Mamasapano incident, pinalawig pa

$
0
0

FILE PHOTO: Si DOJ Secretary Leila De Lima sa pag-ocular inspection sa pinangyarihan ng Mamasapano incident noong January 25, 2015. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Pinalawig pa hanggang sa susunod na buwan ang imbestigasyon ng DOJ panel sa Mamasapano incident.

Ayon kay Sec. Leila de Lima, binigyan pa niya ng isang buwang palugit ang panel upang tapusin ang kanilang imbestigasyon at isumite ang ikalawang bahagi ng kanilang ulat.

Una nang inirekomenda ng panel sa kanilang report nitong nakaraang Abril na kasuhan ang syamnapung miyembro ng MILF, BIFF at private armed groups dahil sa pagkamatay ng apatnapu’t apat na miyembro ng PNP Special Action Force.

Kabilang sa pinag aaralan ng special panel ang karagdagang kaso laban sa hindi pa pinangalanang mga suspek. (RODERIC MENDOZA / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481