LONDON, England – Sa edad na 38 magreretiro na ang dating highest paid footballer sa buong mundo na sa David Beckham.
Ayon kay Beckham, tatapusin na lamang niya ang huling season sa Paris Saint-Germain bago tuluyang magretiro.
Si Beckham na dating team captain ng England ay may 115 international appearances na kung saan siya ang kauna-unahang British footballer na naka-goal ng tatlo sa World Cup.
Sa maraming taong paglalaro, naging bahagi ito ng koponan ng Manchester United, Preston North End, Real Madrid, Milan, Los Angeles Galaxy at Paris Saint-Germain.
Taong 2011 nang bumisita rin si Beckham sa Pilipinas kung saan nakalaro nito sa isang exhibition game ang Philippine Azkals. (UNTV News)