MANILA, Philippines — Maaring abutin pa ng 3 hanggang 5 araw bago tuluyang maapula ang sunog sa Divisoria mall.
Ito ang assessment ng Bureau of Fire Protection.
Sa ngayon nakataas pa rin sa Task Force Charlie ang alarma ng sunog sa Divisoria mall.
Sinabi ng Bureau of Fire Protection hindi na maaring magamit pa ang gusali na masyadong napinsala ng matagal na sunog.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog. (UNTV News)