Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Malakanyang, handang idepensa sa Korte Suprema ang framework at comprehensive agreements on the Bangsamoro

$
0
0

Deputy Presidential Spokesperson Usec. Abigail Valte (UNTV News)

MANILA, Philippines — Handa ang Malakanyang na idepensa sa Korte Suprema ang legalidad ng Malakanyang, handang idepensa sa Korte Suprema ang Framework on the Bangsamoro (FAB) at Comprehensive Agreement on Bangsamoro (CAB).

Ito ang pahayag ng Malakanyang matapos mag-file ng magkahiwalay na petition ngayong Biyernes sa Korte Suprema ang Philippine Constitution Association at si dating Congressman Jacinto Paras ng Negros Oriental upang hilingin na ipatigil ang implementasyon ng FAB at CAB.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, handa ang ehekutibo na sagutin ang isyung ito kung iuutos ng Korte Suprema, ipinagtataka naman ng Malakanyang kung bakit ngayon lamang hinamon ang legalidad ng FAB at CAB gayong mahigit isang taon na ito mula nang malagdaan.

“Government will be ready to answer once the Supreme Court directs us to do so. It is interesting that these challenges to the FAB and CAB come at this time, more than a year after both were signed,” ani USec. Abigail Valte. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481