QUEZON CITY, Philippines — Hindi tutol si dating National Security Adviser Jose Almonte sa Bangsamoro Bill.
Ayon kay Almonte dapat lamang ay naayon ang panukalang batas sa konstitusyon at katanggap-tanggap sa taumbayan kapag naging batas na ito.
Sinabi rin ng dating National Security Adviser na dapat na bigyang pagkakataon ang MILF na maipakita ang kanilang sinseridad sa usang pangkapayaan at huwag kaagad itong husgahan.
Dagdag pa ni Almonte, dapat ding konsultahin ng mga mambabatas ang iba pang grupo tulad ng MNLF upang maiwasan ang pagsulpot muli ng iba pang grupo na kakalaban sa pamahalaan.
“Whatever our people want collectively, if that is the process of getting the opinion of the people accepted by everybody. And I think that will be a very credible law,” ani Almonte. (UNTV News)