MANILA, Philippines — Dalawa na lamang ang aabangang entry para makumpleto na ang labindalawang finalists sa A Song of Praise o ASOP Music Festival Year 4 matapos pumasok sa listahan ang awiting “Pahintulutan Mo” noong nakaraang episode nito.
Lubos ang ligayang nadama ng baguhang kompositor na si Leonardo de Jesus III at ang interpreter na si Jon Philippe Go sa natamong tagumpay ng naturang awit.
Pahayag ni De Jesus, “Hindi ko talaga ma-explain ang sayang nararamdaman ko ngayon. First time ko lang pero awa ng Dios talaga. Salamat sa Dios.”
Para naman kay Go, “For the first time, pasok sa grand finals na ito. Very fulfilling po. Ang saya, ang sarap sa pakiramdam lalo na’t ‘yung song ni kuya (Leandro) ay nailabas mo talaga ‘yung proper na emotions na gusto niya.”
Nagdulot ng kaba sa dalawa ang husay rin ng nakalaban nilang entries na tulad ng “Karapatdapat Kang Pasalamatan” ni Alejandro Jimenez na inawit ng acoustic singer at composer na si Toto Sorioso at ang “Ang Pagmamahal Mo” ni Dennis Avenido sa interpretasyon naman ni Nino Alejandro.
Ngunit sa huli’y pinili ng mga huradong sina comedian singer Arnel Ignacio, OPM female belter Ivy Violan at Doktor Musiko Mon del Rosario.
Ang kanilang awit na makasali sa ASOP Grand Finals. (ADJES CARREON / UNTV News)