MANILA, Philippines – Suspendido ngayong araw ang klase sa maraming paaralan sa Metro Manila at karatig lalawigan dahil sa Bagyong Labuyo.
Ayon sa Department of Education (DepED) at Local Government Units (LGU’s), walang pasok sa pampubliko at pribadong paaralan mula pre-school hanggang elementary sa Maynila, Tagaytay, Taguig at Malabon.
Suspendido naman ang klase hanggang high school sa Mandaluyong, Makati, Las Piñas, Caloocan, Muntinlupa, Cainta, Angono, Rodriguez at Tanay sa Rizal, Pasig, Pasay, Paranaque, Cavite, Abra, Angeles City sa Pampanga at Bulacan.
Suspendido rin ang klase sa public elementary hanggang high school sa Navotas at mga flood prone areas sa Valenzuela.
Lahat ng antas naman sa pribado at pampublikong paaralan ang walang pasok sa Pateros, San Juan, San Mateo Sa Rizal, Laguna at Quezon City. (UNTV News)