MANILA, Philippines – Pinag-iingat ngayon ang mga nakatira sa mabababa at bulubunduking lugar na apektado ng Bagyong Labuyo dahil sa posibilidad ng flashflood at landslides.
Sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maaaring magdala ng malalakas na pag-ulan ang Typhoon Labuyo partikular sa mga lugar na may nakataas na babala ng bagyo.
Bukod sa pagbaha at pagguho ng lupa, maaari ding makaranas ng storm surge o pagbaha bunsod ng malalaking hampas ng alon ang mga nakatira sa coastal areas sa western at northern Luzon.
Sa pinakahuling ulat ng PAGASA, nakataas ang storm warning signal 1 sa Batanes, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Northern Quezon, Polillo Island, Laguna, Cavite at Metro Manila.
Signal number 2 naman sa Zambales, Nueva Ecija, Tarlac, Aurora Province, Calayan at Babuyan Group of Islands.
Signal number 3 naman sa Cagayan Isabela, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Benguet, Mt. Province, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino at Northern Aurora. (UNTV News)