Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Job market para sa Filipino skilled workers, muling binuksan sa Taiwan

$
0
0
IMAGE_UNTV-News_AUG122013_REUTERS_Pichi Chuang_Taiwan_Factory Workers

FILE PHOTO: Employees work on the production line at the headquarters of Eminent Luggage Corp. in Tainan, southern Taiwan (REUTERS/Pichi Chuang).

MANILA, Philippines – Muling binuksan ang job market ng Taiwan para sa Filipino skilled workers.

Ito ay kasunod ng pag-aalis sa ipinataw na sanctions sa Pilipinas matapos na pormal na humingi ng paumanhin sa pagkasawi ng isang mangingisdang Taiwanese sa Balintang Channel noong Mayo.

Ayon sa  mga Filipino manpower agency na  accredited ng Taiwan, aabot sa tatlong libong skilled worker ang kailangan ng isang electric company sa Taiwan.

Paalala naman ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman Amadeo Perez sa mga aplikante na sa mga ahensya na accredited ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) dapat mag-apply upang hindi maloko. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481