BAGUIO CITY, Philippines – Mahigit animnapung pamilya na ang inilikas sa dalawang barangay sa Baguio City dahil sa patuloy na pag-ulan.
Ang mga evacuees mula Barangay Lower Rock Quarry at City Camp Central ay dinala sa Aguinaldo Elementary School.
Bagama’t bahagyang humina ang Bagyong Labuyo, nakataas pa rin ang public storm signal number 3 sa lalawigan ng Benguet. (UNTV News)