Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

P4-M proceeds ng Songs For Heroes 2, ibinigay na ng UNTV sa PNP

$
0
0
Ang pormal na pag-turnover ng UNTV sa PNP ng proceeds ng Songs For Heroes 2 nitong Lunes, July 13 sa Camp Crame, Quezon City. (Rovic Balunsay / Photoville International)

Ang pormal na pag-turnover ng UNTV sa PNP ng proceeds ng Songs For Heroes 2 nitong Lunes, July 13 sa Camp Crame, Quezon City. (Rovic Balunsay / Photoville International)

QUEZON CITY, Philippines — Ipinagkaloob na ng pamunuan ng Pambansang Pulisya ang nalikom na dalawampu’t-apat na milyong pisong pondo mula sa donasyon ng mga civic organization.

Kabilang dito ang ibinigay ng UNTV-BMPI na P6-milyong proceeds mula sa unang Songs For Heroes concert na ginanap noong Marso.

Pahayag ni PNP-OIC P/DDG Leonardo Espina, “Yung sa kanilang lahat, matagal na pong ibinigay yun. Maraming salamat po kay Mang Daniel Razon and to all UNTV people.”

Labing limang milyong piso ang ibinahagi sa mga kaanak ng SAF44 habang ang siyam na milyong piso naman ay inilaan bilang pondo ng Special Action Force.

Ayon kay Nanay Helen ramacula, ina ni PO2 Rodel Ramacula, bagama’t ramdam pa rin nila ang sakit ng pagkawala ng anak ay malaking tulong na ang P300 libong piso para sa pagtatayo ng isang maliit na negosyo.

“Nagpapasalamat kami sa mga binibigay sa amin na tulong at lalong lalo na sa donors para tulungan kami na nawalan ng anak.”

Samantala, kasabay ng ceremonial turnover ay ibinigay na rin ng UNTV sa pamunuan ng PNP ang panibagong apat na milyong pisong nalikom mula naman sa ikalawang Song For Heroes Concert na alay sa mga sundalo at pulis.

Ayon kay BMPI Vice President for Operations Gerry Panghulan, napili ng UNTV ang PNP bilang recipient dahil sa mga pangangailangan ng mga pulis na nagtatanggol sa bayan.

“Binigyan din natin ang AFP kasi ang AFP naman ay halos araw-araw ay may casualty rin so pareho lang… Hindi lang naman yung SAF44 ang ano (may casualty) di ba? So parang yun ay papasok sa general fund nila that would benefit naman yun mga pulis na nasusugatan sa ibang pakikipaglaban.”

Masayang usal ni General Espina, “Kami po ni General Catapang ay kumanta sa UNTV, binigyan po nila kami ng tig-apat na milyon, di ko po malaman kung ito ay isang kanta lang 4 na milyon, di naman ako marunong kumanta…. Ito pong ibibigay ng UNTV na P4-million sa AFP, P4-million sa atin ay para naman sa dependents ng mga nasawing iba naming kasama sa PNP.”

Nagpasalamat naman ang pamunuan ng PNP sa panibagong tulong na ipinagkaloob ng UNTV.

“Maraming maraming salamat sa inyo. At you know, this is one of my last major acts. And I saw to it na I will be present today,” ani Gen. Espina.

Samantala, bukod sa mga donasyon ay nakatanggap na rin ng P80-million benepisyo ang mga kaanak ng SAF44 habang hinihintay pa rin ng mga ito ang pangakong pabahay ng Pambansang Pulisya.

Sa kabila ng mga tulong pinansyal siniguro naman ng pamunuan ng Pambansang Pulisya na nakatutok sila sa kaso para makamit ng mga kaanak ang hustisya para sa mga napatay na SAF commandos. (LEA YLAGAN / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481