Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

93,000 bagong OMR machines, rerentahan ng COMELEC para sa 2016 elections

$
0
0

Ang COMELEC En Banc sa pag-announce ng desisyon sa pag-acquire ng OMR machines. (VICTOR COSARE / UNTV News)

MANILA, Philippines — Kumpleto ang pitong miyembro ng COMELEC En Banc nang humarap sa media kanina upang i-anunsyo ang pinal na pasya ng komisyon kung anong mga makina ang gagamitin sa 2016 elections.

Unanimous ang naging botohan ng en banc, hindi gagamitin ang mga lumang PCOS machine kundi magrerenta ng mahigit 93,000 bagong optical mark reader o OMR machines.

Ang OMR machines ay ang generic name ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines na ginamit ng Pilipinas noong 2010 at 2013 elections.

Pahayag ni COMELEC Chairman Andres Bautista, “The commission unanimously decided to choose the more prudent approach of leasing all new 93,000 plus machines for the 2016 elections. Again, the commission believes that this is the most viable, practical and safest option to pursue in our efforts ensures the credibility of the 2016 elections.”

Sa SMARTMATIC kukunin ang mga bagong makina.

Una nang naipanalo ng SMARTMATIC ang bidding para sa lease ng 23,000 new OMR machines sa halagang 1.7 billion pesos at patapos na ang pag-uusap sa kontrata para dito.

SMARTMATIC din ang nagwagi sa bidding para sa lease ng 70,977 new OMR machines sa halagang 6.3 billion pesos.

Mas mura sana ng 2.5 billion pesos kung pakikinabangan uli ang mga dati ng ginamit na PCOS machines ngunit nauwi naman sa 2 failed bidding ang planong pag-refurbish sa mga lumang makina.

Kahit may opsyon ang COMELEC na pumasok sa isang negotiated contract para sa refurbishment option subalit nag abiso na ang ilang kumpanya kabilang ang Smartmatic na hindi na kayang tapusin ang trabaho bago ang 2016 elections.

Hindi rin uubra ang balak ng COMELEC na bawasan ang bilang ng mga kukuning bagong makina at idagdag sa magiging kakulangan ang ilang refurbished PCOS machines.

Ayon kay Chairman Bautista, “If we were to reduce the award of 70,977, what we were looking to do was to reduce the award to say 60 or even 50 and then refurbish the additional 20 using the existing PCOS machines but we were told that we might encounter a legal problem and second the supplier might not want to award or enter into a contract with COMELEC. In case we did that, because of the price differential.”

Paliwanag ng COMELEC may technical challenges din kung sabay na isasagawa ang refurbishment ng lumang PCOS at ang pag-manufacture ng mga bagong OMR machine.

Ayon sa SMARTMATIC, magsisimula ngayong Oktubre ang pag-deliver sa mga bagong voting machines at makukumpleto ito hanggang enero ng susunod na taon.

Dagdag pa ni Bautista, “That would give the COMELEC sufficient time to test these machines as well as sufficient time to practice and to explain the features of these machines to our field personnel and to our teachers. Also the new machines are going to be configured to address the problems that were encountered in 2010 and 2013.”

Hinggil naman sa tanong kung ano na ang gagawin sa mahigit 81,000 PCOS machines na binili na ng COMELEC sa SMARTMATIC noong 2012, ayon sa poll body gagamitin pa rin ito sa darating na 2019 elections. Kailangan lamang nilang ipa-refurbish ito ng mas maaga upang mas mura ang magagastos ng para dito.”

Pagkatapos nang announcement, tumanggi nang magpatanong ang mga miyembro ng en banc sa media. (VICTOR COSARE / UNTV News)

The post 93,000 bagong OMR machines, rerentahan ng COMELEC para sa 2016 elections appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481