Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Non-permanence ng US troops sa bansa, binigyang diin ng Malacañang

$
0
0
FILE PHOTO: Ang CARAT exercise sa pagitan ng US Navy at Philippine Navy na naganap noong Hulyo ng  nakaraang taon sa General Santos City. (RITCHIE TONGO / Photoville International)

FILE PHOTO: Ang CARAT exercise sa pagitan ng US Navy at Philippine Navy na naganap noong buwan ng Hulyo ng nakaraang taon sa General Santos City. (RITCHIE TONGO / Photoville International)

MANILA, Philippines – Pinawi ng Malacañang ang pangamba ng ilang grupo na magtatayo ng permanenteng base militar ang Estados Unidos sa Pilipinas dahil sa ginagawang pagpapalakas ng US troops sa bansa.

“He is very explicit yesterday when he mention that it would be in the framework na yung one adherence to our constitution as well as the existence agreement that we have with the US,third he also emhasized the non-permanence,” pahayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND) na hindi malalabag ang konstitusyon ng bansa gayundin ang Visiting Forces Agreement sa planong ito.

“As mentioned by both officials by secretary of foreign affairs and secretary of national defense that everything will be done under the following of 1987 constitution,” pahayag pa ni Valte.

Inaasahan ng DFA na sa pagdadagdag ng rotational presence ng Amerika ay masisimulan na ang modernisasyon sa AFP, at kahit na hindi pa nakabibili ang bansa ng modernong kagamitan, makatutulong ang US presence sa pagpigil sa anumang banta sa soberanya ng bansa.

Kasabay ng pagpapalakas din ng maritime security, matututo na ang Pilipinas sa paggamit ng mga makabagong kagamitan at mapapalakas ang kapabilidad ng bansa na tumugon sa anumang kalamidad.

Nilinaw naman ng palasyo na hindi pa ito ‘done deal’ kundi paguusapan pa lang ang detalye ng framework. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481