MANILA, Philippines – Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na lumago ang investment sa manufacturing sector sa unang bahagi ng taon.
20.4% o katumbas ng 3.4 billion pesos ang ipinasok ng mga mamumuhunan sa unang quarter.
Ayon kay DTI Secretary Gregory Domingo, nangangahulugan ito ng mas maraming trabaho para sa ating mga Pilipino.
Aniya, malaking tulong rin ito upang makamit ang inclusive growth o sustainable development ng bansa lalo pa’t dito sa bansa idaraos ang 2015 ASEAN Summit.
Ayon sa Philippine Institute of Development Studies, kung magpapatuloy ang paglago ng investment sa bansa ay maraming Pilipino ang mabibigyan ng trabaho na may mataas na sahod. (Ley Ann Lugod / Ruth Navales, UNTV News)