Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Walang misrepresentation sa mga dokumento ni Sen. Grace Poe – legal counsel

$
0
0
Senator Grace Poe

Senator Grace Poe

MANILA, Philippines — Walang misrepresentation sa mga dokumentong ipinasa ni Senador Grace Poe noong 2013 elections.

Ito ang binigyang diin ng legal counsel nito na si Atty. George Erwin Garcia.

Ipinahayag ito ng abugado kasunod ng inihaing kaso sa COMELEC ng dating senatorial candidate Lito David laban kay Poe, kung saan sinabi nitong may misrepresentation sa ipinasang certificate of candidacy ni Poe dahil sa hindi umano ito natural born citizen.

Giit ni Atty. Garcia, si Poe ay natural-born Filipino.

Kumpiyansa rin sila na ang Korte Suprema ay papabor sa panig ni Poe.

Naniniwala ang kampo ni Poe na ang aksyong ito ay pang-aapi lang sa senadora tulad sa karanasan ng yumaong ama nito na si Fernando Poe Jr.

Hindi rin naniniwala ang kampo ni Poe na advocacy ang ginagawa ni Lito David kundi isang panlalait at harassment.

Sa huli sinabi ng kampo ni Poe na nakahanda nilang pasinungalingan ang mga ibinibato laban sa senadora at sagutin ang mga akusasyon dito. (BRYAN DE PAZ / UNTV News)

The post Walang misrepresentation sa mga dokumento ni Sen. Grace Poe – legal counsel appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481