Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pangulong Aquino, walang planong tumakbo bilang running mate ni Sec. Mar Roxas sa 2016 elections — Malacañang

$
0
0

FILE PHOTO: Si Sec. Mar Roxas at Presidente Benigno Aquino III na magkatabi sa isang pagtitipon. (PCOO)

MANILA, Philippines — Malabo mangyari ang ulat kaugnay ng posible umanong pagtatandem ni DILG Secretary Mar Roxas at

Pangulong Benigno Aquino III sa paparating na 2016 elections.

Ito ang binigyang diin ni Presidential Communication Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr.

Ayon sa kalihim, nakatakda nang magretiro si Pangulong Aquino.

Ani Sec. Coloma, “President Aquino has previously stated that he would like to retire from public office when his term ends

at noon of June 30, 2016. And to the best of my knowledge, he has made no comments to the contrary.”

Bagama’t ilang pangalan na rin ang lumulutang para maging running mate ni Roxas tulad nina Camarines Sur Congresswoman Leni

Robredo, Batangas Governor Vilma Santos at Senator Alan Peter Cayetano hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring inaanunsyo si

Pangulong Aquino.

Sa huli, iginagalang ng Malakanyang ang pagpapahayag ng suporta ng ilang Liberal Party members kung sino ang ibig nilang

maging katandem ni Roxas.

Aniya mas mabuting hintayin na lamang ang pormal na pag-aanunsyo ng liderato ng administration party sa usaping ito. (NEL MARIBOJOC / UNTV News)

The post Pangulong Aquino, walang planong tumakbo bilang running mate ni Sec. Mar Roxas sa 2016 elections — Malacañang appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481