MANILA, Philippines — Pasok na pasok sa estilo ng pag-awit ng dating bokalista ng sikat na bandang 6cyclemind na si Ney Dimaculangan ang November “Song of the Month” ng A Song of Praise o ASOP Music Festival 2015 na may titulong “Sabik Sa’Yo.”
“Actually, nagustuhan ko agad siya, medyo pasok siya dun sa genre ko which is alternative rock-ish…” ani Ney.
Ito ay obra ng baguhang kompositor mula sa Tarlac na si Joseph Bolinas na sobrang na-satisfy sa kinalabasan ng materyales niya.
“Actually, na-impress ako kasi ang linis ng pagkakakanta, tapos yung areglo, yung music mismo, talagang na enhance talaga eh kasi yung sinubmit ko talagang dirty sya eh parang di maayos,” ani Bolinas.
Humanga rin si Ney sa ginawang approach ni Joseph sa lyrics na naturang awit.
“Ang galing! Parang dinivert nya yung language into something positive na…catchy para sa akin yung dating,” paghanga ng interpreter ng “Sabik Sa’Yo”.
Samantala, matapos naman ang recording session ng singing champion na si Reymond Sajor ay nagpahayag ito ng kanyang pasasalamat sa ASOP dahil sa pagiging bahagi nyang muli sa grand finals nito.
Ang awit nito ni Reymond na may titulong “Dinggin Mo, Oh Dios” ay ang unang monthly winner ng year 4 na obra ng OFW mula sa Dubai na si Cris Bautista.
“Masayang-masaya. I always feel grateful talaga everytime na ininvite ako ng ASOP… nakaka-inspire and at the same time nare-refresh din sa’yo yung message nung song,” ani Sajor.
Matinding disiplina rin ang gagawin ni Reymond sa paghahanda ng kanyang boses para sa nalalapit na grand finals.
“Kinakailangan healthy ka talaga. So, as much as possible, iiwasan ko na ang magpuyat kung wala namang gagawin and mas pakikinggan pa yung kanta,” pahayag ng interpreter ng “Dinggin Mo, Oh Dios”. (ADJES CARREON / UNTV News)
The post Pop rock singer Ney Dimaculangan at singing champion Reymond Sajor, nakapag-record na para sa ASOP Year 4 commemorative album appeared first on UNTV News.