MANILA, Philippines — Madali nang makikita ng publiko ang mga motorsiklo nilang nawawala o hinihinalang na-carnap.
Ito ay sa pamamagitan ng paglalagay ng Southern Police District ng mga litrato at detalye ng mga na-recover at impounded na motorsiklo sa kanilang Facebook account.
Ayon kay SPD Legal Affairs Chief P/Supt. Jenny Tecson, sa kasalukuyan ay mayroong 362 na motorsiklo sa kanilang impounded area.
Dalampu’t anim na rito ang nakuha na nang may-ari simula noong July.
Nakalagay sa Facebook account na “SPD Dancar” kung ano ang description ng motorsiklo at iba pang pagkakakilanlan nito at kung saan ito kukunin. (UNTV News)
The post Mga nawawala o na-carnap na motorsiklo, posibleng makita sa FB account ng SPD appeared first on UNTV News.