Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pangamba sa ebola virus sa bansa, pinawi ng Malakanyang

$
0
0

FILE PHOTO: Presidential Communication Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Pinawi ng Malakanyang ang pangamba ng publiko sa naiulat na pagpasok ng ebola virus sa bansa.

Ayon kay Presidential Communication Operations Office Secretary Herminio ‘Sonny’  Coloma Jr., batay sa una nang naging ulat ng Department of Health, ang uri ng ebola na nakita sa unggoy sa bansa ay hindi kahalintulad sa strain na kumalat sa Africa.

Dagdag ng Malakanyang, ang ebola reston virus ay dati nang nakita sa Pilipinas at naidokumento na ng DOH na hindi naman nakapagdudulot ng anumang sakit sa tao.

Tiniyak ng Malakanyang na nagtutulungan na ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan upang hindi makapasok sa Pilipinas ang anumang nakamamatay na sakit na nasa ibang mga bansa tulad ng MERS-CoV at uri ng ebola virus na naranasan na ng Africa. (UNTV News)

The post Pangamba sa ebola virus sa bansa, pinawi ng Malakanyang appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481