Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

DOST, may bagong super computer para sa mas tiyak na pagtaya ng klima at lagay ng panahon

$
0
0
Ang ceremonial turnover ng IBM sa DOST para sa Blue Gene supercomputer para sa mas mabisang pagtaya ng panahon. Nasa larawan ang IBM official na si Tom Rosamilia at DOST Secretary Mario Montejo kasama si UP President Alfredo Pascual. (UNTV News)

Ang ceremonial turnover ng IBM sa DOST nitong Huwebes para sa Blue Gene Supercomputer na makakatulong sa mas mabisang pagtaya ng panahon. Nasa larawan ang IBM official na si Tom Rosamilia at DOST Secretary Mario Montejo kasama si UP President Alfredo Pascual. (UNTV News)

MANILA, Philippines – May bagong uri ng computer ang Department of Science and Technology (DOST) na magagamit para sa mas tamang pagtaya sa lagay ng panahon.

Ang naturang computer ay tinatawag na Blue Gene Supercomputer ng IBM na ngayon ay nasa DOST na.

Ayon kay DOST Secretary Mario Montejo, komplikado ang mga komputasyong ginagawa para sa  magiging lagay ng panahon kaya’t kailangan ng mas makabagong teknolohiya.

“To be able to have a better picture of what will happen or weather projection, kailangan mo ng high-performance computers like this one.”

Base sa karanasan, ang Pilipinas ay nakararanas ng malalakas na bagyo taon-taon kung saan nasa 19-20 ang mga topical cyclone na pumapasok sa Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon kay Montejo, maiiwasan ang pagkasawi ng libu-libong buhay at pagkasira ng bilyong halaga ng ari-arian kung maaabisuhan ng maaga ang mga tatamaang lugar ng paparating na bagyo.

Malaking tulong rin aniya ito sa mga magsasaka para makaiwas sa pagkasira ng kanilang pananim.

Bukod sa mas tamang pagtaya ng panahon, maaari na ring malaman ng mas maaga ang magiging epekto ng climate change.

“Kailan ba talaga ang summer, when will it end, and when will rainy season start… Noong January pa lang pwede na nating makita yun,” pahayag pa ni Montejo. (Rey Pelayo & Ruth Navales, UNTV News)

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481