PASIG CITY, Philippines — Matinding bakbakan ang nasaksihan ng mga nanuod sa UNTV Cup Season 4 first round elimination sa Ynares Sports Arena.
Sa Game 1, tinambakan ng 21 points ng DOJ Justice Boosters sa pagtatapos ng 2nd half ang NHA Builders.
Ngunit pagpasok ng 2nd half, nagawang habulin ng NHA Builders ang kalamangan sa pamamagitan ng tatlong 3 points na pinakawalan ni Antonio Lustestica Jr., sa tulong ni Waldemar at Ralph Cornelius Tibay.
Nagtapos ang 3rd quarter ng may tatlong kalamangan ang NHA, 60 – 57.
Tuluyan ng sinelyuhan ng NHA Builders ang 4th quarter at di na pinabawi pa ang DOJ Justice Boosters sa score na 85 79.
Pahayag ni DOJ Coach Jeff Perlas, “Actually, during the halftime I warned the boys na 20 minutes pa yan huwag tayong magre-relax. Nahirapan kami sa pressure nila dahil we lack two point guards. May absent kami point guards so na-exposed ang kulang namin sa 2nd half which is yung ball handling pero nonetheless they play better the 2nd half. Yung energy nila mas hungrier sila sa 2nd half. Pero I still give my boys the credit na kahit hindi kami masyadong nakapag-ensayo before this game they gave their best, yun nga lang kinapos na kami ng oras.”
Sa 2nd game, hindi naman mapatid ang hiyawan ng fans sa dikit na laban ng season champion AFP Cavaliers laban sa BFP Fire Fighters.
Bagama’t lamang ng sampu ang AFP sa pagtatapos ng 2nd half sa score na 38 – 28.
Naidikit pa ng BFP sa 59-56 sa pagtatapos ng 3rd quarter.
Makailang ulit rin na nag-tie ang score ng dalawang koponan ngunit sa huli mas nanaig ang mas may karanasan na team ng mga sundalo sa score na 74-70.
At sa game 3, agad bumulusok ang opensiba ng PNP Responders kontra GSIS Furies.
Nakapagtala ng 15 points at 4 rebounds si Seasons 1 & 2 MVP Olan “The Snipper” Omiping upang pangunahan ang impresibong kalamangan na 33-11 sa pagtatapos ng first quarter.
Nakapagtala ng combined 30 points si Dennis Bunyi at Rene Boy Banzali ng DOJ Justice Boosters.
Ngunit hindi ito sapat sa bilis ng PNP Responders na pinangunahan ni Ollan Omiping na may 26 points at 4 rebounds at ang tinanghal na best player of the game na si Antonio Tolentino Jr. na nakapagtala ng 20 points, 3 rebounds. (VICTOR COSARE / UNTV News)
The post NHA Builders, AFP Cavaliers at PNP Responders wagi sa first round eliminations ng UNTV Cup Season 4 appeared first on UNTV News.