Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Preliminary investigation sa One Dream investment scam, tinapos na ng DOJ

$
0
0
Downloaded photos: Arnel Gacer / One Dream (Google)

Downloaded photos: Arnel Gacer / One Dream (Google)

MANILA, Philippines — Muling nabigo ang may-ari ng One Dream marketing na si Arnel Gacer at iba pang respondent na humarap sa preliminary investigation ng Department of Justice kaugnay sa mga reklamo laban sa kanya.

Dahil dito, nagpasya ang piskal na tapusin na ang imbestigasyon at resolbahin ang reklamong syndicated estafa base sa ebidensyang isinumite na mga complainant.

Pahayag ni Atty. Percival Brigola, abogado ng mga complainant, “They are supposed to submit their counter affidavit today but they failed to appear. So the honorable prosecutor deemed it wise to submit the same for resolution.”

Nag-ugat ang reklamo sa umano’y pandaraya ng One Dream sa mga investor nito.

Na-engganyo ang mga biktima sa pangako ng kumpanya na 300-percent na interes sa ipupuhunan nilang pera.

Ngunit ayon sa 18 complainant na pawang taga-Lipa City, hindi ito natupad ng kumpanya.

Sa ngayon ay hindi na matukoy ang kinaroroonan ni Gacer at ng sampu pang mga opisyal ng One Dream.

Nais ng mga complainant na mabawi ang 3.3 million pesos na naideposito nila sa kumpanya.

Ito ang unang batch ng mga complainant laban sa One Dream at inaasahang may mga susunod pang reklamo lalo na’t nakapambiktima rin umano ang kumpanya hanggang sa Naga City, sa Camarines Sur. (RODERIC MENDOZA / UNTV News)

The post Preliminary investigation sa One Dream investment scam, tinapos na ng DOJ appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481