MANILA, Philippines — Target ng Commission on Elections (COMELEC) na malinis ang nasa limang libong lumang PCOS machine upang magamit na pandagdag sa bagong voting machines para sa 2016 elections.
Siyamnapu’t-apat na libong bagong makina ang planong upahan ng komisyon para sa darating na halalan.
Makakatulong ng poll body sa pagsuri sa mga makina ang Department of Science and Technology o DOST.
Ngunit para sa isang election lawyer, posibleng mag-backfire sa COMELEC ang planong paggamit ng ilang lumang makina.
Ayon kay Atty. George Erwin Garcia, dapat panindigan na lamang ng COMELEC na purong mga bagong makina ang gamitin sa darating na halalan.
Dahil kung lalabas na maaari pa palang gamitin ang mga lumang PCOS machine ay lalong magma-marka sa taumbayan na mali ang naging desisyon ng COMELEC na kumuha ng mga bagong makina na nagkakahalaga na walong bilyong piso. (VICTOR COSARE / UNTV News)
The post Planong paggamit sa ilang lumang PCOS machines, posibleng mag-backfire sa COMELEC appeared first on UNTV News.