Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

VP Binay, itinangging nasa likod ng pagpapakalat ng fake money na may mukha ni LP standard bearer Mar Roxas

$
0
0

Ang mga fake money na may mukha ni Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas na nakarating sa Senado at Kamara. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Itinanggi ni Vice President Jejomar Binay na siya ang nasa likod ng pagpapakalat ng fake money na may mukha ni Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas.

Nitong Huwebes, kabilang ang senado at kamara sa nakatanggap ng pekeng 500 pesos na may mukha ni Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas at may mga katagang “Salapi pa more, ibulsa ang pera, iboto ang kursonada.”

Naniniwala ang pangalawang pangulo na desperado na ang may pakana ng nasabing pekeng pera.

Ani VP Binay, “Ako nakapagbitaw ako ng salita, na lagi ko namang sinasabi ‘yon tuwing halalan. Mayor pa ako, sinasabi ko na… kasi ‘yong kalaban namin noon, talagang ang pinagmamalaki at inaasahan niyang mananalo siya dahil sa pera. So naging byword namin sa Makati ‘yan. Ngayon, mukhang gano’n na naman ang mangyayari kaya nakakapag-ulit ako nang sinasabi ko. Pero huwag akong ididikit doon sa [‘fake money’]. Alam mo, ‘yon ay ginagawa nila para ituro sa akin.” (BRYAN DE PAZ / UNTV News)

The post VP Binay, itinangging nasa likod ng pagpapakalat ng fake money na may mukha ni LP standard bearer Mar Roxas appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481