MANILA, Philippines — Patuloy ang panawagan ng Commission on Elections sa ating mga kababayang overseas Filipino worker na magparehistro na upang makaboto sa eleksyon sa susunod na taon.
Sabay-sabay na magtatapos ang voters registration sa Pilipinas at sa abroad sa October 13.
Ayon kay COMELEC Commissioner Arthur Lim, napakaliit pa lang ng bilang ng mga nakapagparehistro kumpara sa kabuuang bilang ng mga ofw sa ibat ibang panig ng mundo.
Samantala, bibigyan ng isang buwan ang ating mga kababayang OFWs upang makaboto, mula April 9 hanggang May 9, 2016. (UNTV News)
The post COMELEC, hindi na magbibigay ng extension sa voters registration kahit sa OFWs appeared first on UNTV News.