QUEZON CITY, Philippines — Kinumpirma ng pamunuan ng PNP na mataas na ang morale ng PNP-Special Action Force matapos na kumpirmahin ni Pangulong Benigno Aquino III na ang SAF ang nakapatay sa international terrorist na si Zulkifli bin Hir a.k.a. Marwan.
Ayon kay PNP Chief P/Dir. Gen. Ricardo Marquez, kinausap nya ang 84th SAC (Special Action Company) sa ‘white house’ sa Camp Crame habang naghahapunan ulam ang sardinas noong Huwebes ng gabi, September 17, 2015.
Sinabi pa nito na masaya ang SAF commandos nang kausapin niya dahil naisara na ang lumabas na may alternative version umano ang pagkakapatay sa naturang teroristang Malaysian bomb expert.
Sinabi ni Marquez na dahil sa pahayag ng Pangulong Aquino, naibalik ang tiwala at reputasyon ng SAF. (LEA YLAGAN / UNTV News)
The post Morale ng SAF, tumaas mula nang matuldukan ang isyu ng “alternative version” ng pagpatay kay Marwan — PNP chief appeared first on UNTV News.