Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Aksidente sa Bulacan at sunog sa Cebu, nirespondehan ng UNTV News & Rescue Team

$
0
0

 

Ang pagresponde ng UNTV News and Rescue Bulacan sa isang nasagasaan ng motorsiklo sa bahagi ng McArtur Hi-way sa Balagtas. (UNTV News)

BULACAN, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue team ang aksidente sa kahabaan ng McArthur Highway sa Barangay San Juan, Balagtas, Bulacan pasado ala-singko ng madaling araw ng Lunes.

Ang biktimang si Joshua Dela Cruz, 22-anyos, ay iniinda ang mga tinamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at posibleng bali sa kanang binti.

Ayon sa ina ng biktima, angkas niya sa motorsiklo ang kanyang anak nang bigla silang tumigil upang kunin ang nalaglag nitong cellphone.

“Pagbaba niya mayroong truck na papunta pero naka-iwas pa sya doon. Hindi inaasahan dumaan yung mabilis na mabilis na takbo ng motor. Yung pinaka-binti ang nadali. Salamat, pasalamat sa binigay ng Dios sa amin, sa pagtulungan kasama na yung pagkalinga, hindi pa kayo umaalis, hindi nyo po ako iniiwan,” sabi ni Ginang Marisa dela Cruz.

Depensa naman ng driver ng motorsiklo na si Juanito Pudol Jr., hindi niya napansin ang lalaking nakatayo sa gitna ng kalsada kaya niya ito nabangga.

“Tumatakbo ako ng mga sixty (60 KPH), parang may nag-sweep na truck. Iniiwasan pala niya yung motor. Yung tao, pumupulot ng ano, di ko expect na ano kasi nasa gitna sya. Cellphone daw, cellphone,” kwento ni Pudol.

Matapos lapatan ng paunang lunas ay agad nang inihatid ng UNTV Rescue ang biktima sa Bulacan Medical Center.

Samantala, sa bahagi naman ng Cebu ay isang lalaki rin ang tinulungan ng UNTV News and Rescue team sa nangyaring sunog sa Sitio Lapyahan sa Barangay Labugon, Mandaue City.

Nilapatan ng paunang lunas ng grupo ang biktimang si Joy Guob na nagtamo ng sugat sa paa habang lumilikas sa nasusunog nilang bahay.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, mahigit limampung bahay ang nasunog na pawang gawa sa light materials.

“Estimated damage ani amounted to more or less to P500,000, more or less 50 residential houses. Ato ning nadawat 10:14 nadagan ta dire mga 7 minutes to 21 pag kuan na 11:03 na under control nato. Bale 42 minutes pero atong gideklarang task force alpha, alas 10 :38,” ani SFO2 Cipriano Codilla ng BFP-Mandaue City.

(Estimated damage nito amounted to more or less to P500,000, more or less 50 residential houses. Natanggap natin to 10:14 nagpunta tayo dito mga 7 minutes to 21 pag-11:03 na under control natin. Bale 42 minutes pero dineklarang task force alpha alas-10:38.)

Nag-overheat na ceiling fan sa bahay ng isang Minda Ladrada ang natukoy na sanhi ng sunog.

Pahayag ni Minda Ladrada,”Wala sad ko kahibalo kay naa man ko sa tindahan, wa ko sa amoa ba. Unya pag ingon nga nay kayo nya di naman matabang daghan naman tawo nanagan nya akong bana ang nahabilin sa balay kuyaw sad kuno sya ma trap ninaog nalang daw sya.”

(Hindi ko alam kasi nandoon ako sa tindahan, wala ako sa amin, Tapos pagsabi na merong apoy hindi naman kayang apulahin marami na ang mga taong tumatakb. Tapos yung asawa ko lang yung naiwan sa bahay delikado raw na ma trap sya kaya lumikas na rin sya.”

Nagbigay naman ng financial assistance at nagsagawa ng feeding program ang lokal na pamahalaan para sa mga nasunugan. (UNTV News Bulacan and Cebu)

The post Aksidente sa Bulacan at sunog sa Cebu, nirespondehan ng UNTV News & Rescue Team appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481