BULACAN, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue team ang aksidente sa bahagi ng McArthur Highway sa Barangay San Juan sa Balagtas, Bulacan noong Biyernes ng gabi.
Nadatnan ng grupo ang biktimang si Marcelino Salamanca, singkwenta’y tres-anyos, habang iniinda ang tinamong mga sugat at pamamaga sa kanang braso at posibleng balit sa binti at sakong.
Ayon sa imbestigador na si PO3 Jayjay Quilang, mabilis ang takbo ng motorsiklo at nawalan ng kontrol ang driver nang makasalubong ang kotse.
“Actually, yung kotse mag-eexecute ng left turn, north to south bound siya. Papasok siya ng Magdalena. Ngayon itong motorsiklo naman may katulinan. Sakto tumawid siya, di niya naprenuhan yung kotse. Actually, yung tama niya sa left ng bumper, ito tumilapon sa may shoulder ng kalsada kasama yung motor,” ani PO3 Quilang.
Nilapatan ng rescue team ng paunang-lunas ang mga sugat ng biktima at pagkatapos ay inihatid na siya sa ospital.
Pahayag ng asawa ng biktima, “Nagpapasalamat po ako sa ginawa niyo dahil natulungan niyopo yung asawa ko, hindi niyo pinabayaan nandito kami sa hospital tinutulungan nyo pati sa pag-aasikaso sa doctor, sana marami pa kayung matulungan sa mga nangangailangan sa kalsada.
Pasasalamat naman ng biktima na si Marcelino, “Nagpapasalamat ako sa UNTV tinulungan niyo ako na dalhin sa hospital, UNTV nandito pa rin sila maraming maraming salamat po sana maraming matulungan ang UNTV”. (UNTV News)
The post Lalaking nasugatan sa banggaan ng motorsiklo at kotse sa Balagtas, tinulungan ng UNTV News & Rescue team appeared first on UNTV News.