Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga repormang ipatutupad sa PNP, suportado ng bagong DILG chief

$
0
0
(Left-Right) PNP Chief Ricardo Marquez and DILG Sec. Mel Sarmiento

(Left-Right) PNP Chief Ricardo Marquez and DILG Sec. Mel Sarmiento

QUEZON CITY, Philippines — Nagsagawa ng welcome honor ang Philippine National Police sa bagong kalihim ng Department of Interior and Local Government.

Ayon kay PNP Chief P/Dir.Gen. Ricardo Marquez, buong puso nilang tinatanggap ang kanilang bagong pinuno at handang suportahan ang lahat ng programa nito.

Ani Gen. Marquez, “To promote a new culture of good governance, transparency, public accountability and people empowerment in the Philippine National Police.”

Humanga si DILG Sec. Mel Sarmiento sa mga nadatnang programa sa PNP lalo na ang Oplan Lambat Sibat na matagumpay aniyang nasusugpo ang krimen.

Handa din siyang tugunan at suportahan ang mga repormang nais na ipatupad ni Gen. Marquez tulad ng muling pagpapatrolya ng mga pulis, pagpapatuloy ng Oplan Lambat Sibat, paglaban sa illegal drugs, pagpagpapadali ng pagkuha ng firearms license, pagkakaroon ng zero crime tuwing may malaking event sa bansa at iba pa.

Pahayag ni Sec. Sarmiento, “It is only considering by a long time goal, we can achieve the ultimate goal of the PNP transformation road map by the year 2030 of a highly capable, effective and credible police service.”

Ipinagmalaki rin ng kalihim ang pagkakaroon ngayon ng patrolling manual ng PNP makalipas ang 24 na taon.

Kaugnay nito, tiniyak ng opisyal na nakasuporta ang pamahalaan sa PNP kaya’t handa nitong ibigay ang mga pangangailangan ng Pambansang Pulisya na makatutulong sa kanilang operasyon.

“Thru President Aquino, the Philippine National Police has been provided with the much needed update to include patrol cars, weaponry, the communication equipment is now with the DBM, hopefully they can purchase the most soonest possible time.”

Subalit kasabay ng pag-uupgrade ng mga gamit ng PNP ay kailangan din aniya ang pagbabago sa ugali ng ilang tiwaling pulis.
Kasabay nang babala na hindi mangingimi ang DILG na tanggalin ang mga ito sa serbisyo.

Subalit parangal at suporta naman ang naghihintay para sa mga pulis na maayos na ginagawa ang kanilang trabaho at paglilingkod sa sambayanan. (LEA YLAGAN / UNTV News)

The post Mga repormang ipatutupad sa PNP, suportado ng bagong DILG chief appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481