MASBATE CITY, Philippines – Nais malaman ng ilang kongresista ang naging dahilan sa nangyaring banggaan ng MV Thomas Aquinas ng 2GO Shipping Lines at Sulpicio Express 7 noong madaling araw ng Biyernes sa karagatan ng Cebu.
Isang resolusyon ang nakatakdang ihain ni Kabataan Party-List Representative Teri Ridon upang imbestigahan kung sinu-sino ang nagkaroon ng kapabayaan sa nangyaring aksidente.
Nais rin ng kongresista na pagpaliwanagin si Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator Maximo Mejia kung bakit pinayagang makapaglayag ang isang 40-taong gulang na barko.
“The fact that we are allowing 40-year old ferries like MV St. Thomas Aquinas tells us that something is amiss in the supervision and regulation of water transport vessels in the country,” anang kongresista. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)