Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Tatlong nasugatan sa banggaan ng motorsiklo at tricycle sa Balagtas, tinulungan ng UNTV News and Rescue

$
0
0
Ang isa sa mga naaksidente sa Balagtas, Bulacan habang isinusugod ng UNTV News and Rescue sa pinakamalapit na hospital.

Ang isa sa mga naaksidente sa Balagtas, Bulacan habang isinusugod ng UNTV News and Rescue sa pinakamalapit na hospital.

BULACAN, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue team ang aksidente sa kahabaan ng McArthur Highway sa Barangay San Juan, Balagtas, Bulacan pasado ala-siyete nitong Linggo ng gabi.

Nadatnan ng grupo ang biktima na kinilalang si Gimbel Vicente, 34-anyos, na nagtamo ng posibleng bali sa hita matapos makaladkad nang banggain ng traysikel ang sinasakyang motorsiklo.

Ang asawa naman nitong si Dinio Vicente, 39-anyos, ay nagtamo ng mga gasgas sa kamay at hiwa sa braso.

Ligtas naman ang anim na taong gulang na anak ng mag-asawa.

Ani Vicente, “Nagulat na lang kaming bigla ng may tumigil sa aming tricycle, pilit akong kumakalas, di kami makakalas kasi siguro may kinawitan sa amin, hanggang sa kami ay dumating doon sa may finish stop kami sumadsad kami’y nabangga di kami nakawala.

Ang driver naman ng traysikel na si Richard Sy, 25 anyos, ay nagtamo ng gasgas sa kanang binti.

Pahayag ng imbestigador na si PO3 Richard Lagman, “Pareho sila ng direksyon sa likod tinumbok. Kasama kayo nagdala sa medical center, salamat po.”

Nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang tinamong sugat ng tatlo at pagkatapos ay inihatid na sa pinakamalapit na ospital.

Samantala, sa bahagi naman ng Cebu City ay isang lalaki rin ang tinulungan ng UNTV News and Rescue team.

Kinilala ang biktima na si Jasper Ricardo Chavez, 42-anyos, na nagtamo ng sugat sa mga tuhod at bukol sa ulo matapos bumangga sa pampasaherong jeep ang minamaneho niyang motorsiklo.

Ayon sa driver ng jeep na kinilalang si Aljun, papunta siya ng Carbon sakay ng labing-apat niyang pasahero nang bigla na lamang may kumalabog sa likurang bahagi ng kanyang jeep.

Matapos lapatan ng paunang lunas si Chavez ay inihatid ang biktima sa ospital. (NESTOR TORRES / UNTV News)

The post Tatlong nasugatan sa banggaan ng motorsiklo at tricycle sa Balagtas, tinulungan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481