Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Whistleblowers, nababahala ngayon sa kanilang kaligtasan

$
0
0
Department of Justice Under Secretary Jose Justiniano (UNTV News)

Department of Justice Under Secretary Jose Justiniano (UNTV News)

MANILA, Philippines — Ngayong nagbitiw na sa tungkulin si Sec. Leila de Lima at USec. Jose Justiniano ng Department of Justice (DOJ), nangangamba ang ilang PDAF scam whistleblowers sa kanilang kaligtasan.

Ayon kay DOJ USec. Jose Justiniano, personal na tumawag sa kanya si whistleblower Benhur Luy at Merlina Sunas dahil pati ang director ng Witness Protection Program (WPP) na si Atty. Martin Menez ay nagbitiw na rin sa kanyang pwesto.

Si Atty. Menez ay co-terminus at appointee ni Sec. Leila de Lima kaya’t kailangan din nitong magbitiw sa tungkulin.

Nangangamba ang whistleblowers sa kanilang kaligtasan dahil matagal pa ang tatakbuhin ng mga pagdinig sa mga kaso ng PDAF scam sa korte.

Ani USec. Justinano, “Sabi nila (whistleblowers), USec. (Justiano), papaano na po kami niyan, wala na Sec. De Lima, wala pa kayo.”

Ginarantiya naman ni USec. Justiniano na bagaman may mga pagbabago sa mga taong uupo sa DOJ, mananatili pa rin ang proteksyon ng PDAF scam witnesses sa ilalim ng WPP.

Dagdag pa ni USec. Justiano, “Kaya ako pumunta dito para ma-assure naman sila na wala naman silang dapat ikatakot kasi nasa Witness Protection Program sila at doon naman ay pangangalagaan sila dahil nasasabatas na iyan.”

Noong nakaraang linggo ay namaaalam bilang kahilim ng DOJ si Sec. De Lima para sa kanyang pagtakbo sa pagka-senador samantala si USec. Justiniano naman ay hanggang October 30 mananatili sa trabaho sa Department of Justice.

Sa panahon ni De Lima at Justiniano, isinagawa ang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso sa ilang mambabatas na sangkot sa PDAF scam.

Samantala, iaakyat ng kampo ni Janet Lim Napoles sa Korte Suprema ang kanilang apela na makapagpiyansa sa kaso nitong plunder kaugnay ng PDAF scam.

Ito ay matapos hindi katigan ng Sandiganbayan ang bail petition ni Napoles sa 3rd division.

Ayon sa abogado ni Napoles na si Atty. Stephen David, malabong katigan pa ng anti-graft court ang ihahain na motion for reconsideration kaya’t handa na nila itong iakyat sa mas mataas na korte.

Naninidigan ang kanilang kampo na walang matibay na ebidensya na naiprisinta ang prosekusyon kaya’t nararapat lang na payagan ang akusado na pansamatalang makalaya.

Pahayag ng abagado ni Janet Lim Napoles na si Atty. Stephen David, “Sila mismo na prosecution, sinabi nila walang ebidensya. Hindi lang mahina ang ebidensya, wala raw ebidensya. Paano nangyari iyon? Anyway, mag-fa-file kami ng reconsideration meron pa naman Supreme Court.

Nahaharap sa kasong plunder at graft sa Sandiganbayan si Napoles dahil sa umano’y pakikipagsabwatan sa mga mambabatas upang magkamal ng salapi mula sa kanilang Priority Development Assistance Fund o PDAF. (JOYCE BALANCIO / UNTV News)

The post Whistleblowers, nababahala ngayon sa kanilang kaligtasan appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481