Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Police official sa Benguet, inalis sa pwesto dahil sa mataas na bilang ng casualty sa Bagyong Lando

$
0
0
Isang tulay pangtao ang gumuho sa bahagi ng pamayanang ito sa Benguet Province sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Lando. (GRACE DOCTOLERO / UNTV News)

Isang tulay pangtao ang gumuho sa bahagi ng pamayanang ito sa Benguet Province sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Lando. (GRACE DOCTOLERO / UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Pinatanggal sa pwesto ni Department of the Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento ang provincial director ng Benguet na si PSSupt. David Lacdan.

Ito’y dahil sa maraming casualty sa Bagyong Lando sa lalawigan.

Base sa opisyal na tala ng NDRRMC nasa 7 na ang namatay sa Cordillera Administrative Region at 2 dito ang mula Benguet.

Subalit base sa tala ng local government unit, umaabot na sa 14 ang patay sa Benguet dahil sa landslide.

Pahayag ni PNP-PIO Chief P/CSupt. Wilben Mayor, “The regional director of police Cordillera has already relieved the provincial director of Benguet Senior Supt. Dave Lacdan.”

Ayon kay Mayor, ang pulis ang naatasan sa pagtulong sa LGU’s sa pagpapalikas sa mga residente sa mga delikadong lugar.

Kailangan ng tulong ng pulis lalo na sa mga makukulit na residente na ayaw lisanin ang kanilang mga bahay.

Dagdag pa ni Mayor, “Force them to go out from their places to the extent, perhaps, we can arrest them.”

Si Benguet Provincial Director PSSupt. David Lacdan ay pansamantalang itatalaga sa police regional office ng Cordillera habang papalitan naman siya ni P/SSupt. David Peredo. (LEA YLAGAN / UNTV News)

The post Police official sa Benguet, inalis sa pwesto dahil sa mataas na bilang ng casualty sa Bagyong Lando appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481