Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Military control sa Bilibid, ipinanawagan ng VACC

$
0
0
FILE PHOTO:  May 13, 2013,  New Bilibid Prisons. Ilan sa mga inmate na ginamit ang kanilang karapatan na bumoto para sa senatorial election. (UNTV News)

FILE PHOTO: May 13, 2013, New Bilibid Prisons. Ilan sa mga inmate na ginamit ang kanilang karapatan na bumoto para sa senatorial election. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Marahas na aksyon na ang hinihiling sa pamahalaan ng isang anti-crime group upang masolusyonan ang krimen at kurapsyon sa New Bilibid Prisons.

Nitong Lunes ng umaga ay ipinanawagan nanawagan ang Volunteers Against Crime and Corruption na pansamantalang isailalim sa kontrol ng militar ang Bilibid upang makumpiska ang lahat ng mga kontrabando sa loob ng piitan.

Noong nakaraang Huwebes, pinatay sa loob ng Bilibid ang dating jail warden ng Masbate na si Charlie Guidato na nahatulan sa pagpatay kay dating Masbate City Mayor Moises Espinosa.

Mungkahi ni Atty. Dante Jimenez ng VACC, “Have a martial law in the NBP temporarily. Remove all the officials, top to bottom, in the NBP. Dahil hindi po ito once, twice, thrice, kundi marami na, kalakaran na po yan sa NBP.

Nung araw ding iyon, nakumpiska sa raid ng mga awtoridad ang labing-apat na de-kalibreng mga baril, granada, at mga balisong.

Ang malala umano rito, isang drone ang nakumpiska sa raid na posible umanong ginagamit ng mga bilanggo upang ma monitor ang galaw ng mga bantay sa bilangguan.

Pahayag ng founding chairman ng VACC, “It seems that what we are witnessing is just a tip of the iceberg which needs a major surgery by imposing drastic measures.”

Ayon pa kay Jimenez, tila inililigaw ang paniwala ng publiko na nalinis na sa kontrabando ang Bilibid sa pamamagitan ng sunud-sunod na raid na ginawa noong Disyembre hanggang Enero.

Nangangamba rin ang mga miyembro ng grupo dahil posibleng gantihan sila ng naipakulong nilang mga convict sa pambansang piitan. (RODERIC MENDOZA / UNTV News)

The post Military control sa Bilibid, ipinanawagan ng VACC appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481