Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Amparo petition laban sa INC kaugnay ng kaso ni Lowell Menorca, hahawakan ng Court of Appeals 7th Division

$
0
0
(Left-Right) Atty. Trixie Angeles, INC Minister Lowell Menorca II, Jinky Otsuka

(Left-Right) Atty. Trixie Angeles, INC Minister Lowell Menorca II, Jinky Otsuka

MANILA, Philippines — Nai-raffle na sa seventh division ng Court of Appeals ang petisyon para sa Writ of Amparo laban sa mga lider ng Iglesia Ni Cristo kaugnay ng kaso ng dating ministro na si Lowell Menorca II.

Ang naturang division ng CA, ang magsasagawa ng pagdinig sa petisyon na itinakda ng Korte Suprema sa November 3, araw ng Martes, ganap na alas-10 ng umaga.

Binubuo ang 7th Division sina Associate Justice Magdangal De Leon bilang chairperson at nina Associate Justices Elihu Ybañez at Victoria Isabel Paredes.

Sa kautusang ipinalabas ng Supreme Court En Banc nitong Huwebes, inatasan ang CA na dinggin ang petisyon at resolbahin sampung araw matapos ang pagdinig.

Isinampa ang petisyon para sa Writ of Amparo at Habeas Corpus ng kapatid ni Menorca na si Anthony at ng kanyang hipag na si Jungko Otsuka.

Humarap sa media nitong Linggo si Menorca kasama ang asawang si Jinky Otsuka at idinetalye ang umano’y pagdukot sa kanya sa Sorsogon at illegal na pagkulong sa kanila sa loob ng central compound ng Iglesia ni Cristo mula noong Hulyo.

Tinangka din umano siyang ipapatay ng mga ministrong kasapi ng sanggunian ng INC ngunit hindi ito natuloy.

Inihahanda na ni Menorca ang mga kasong isasampa sa mga umano’y nasa likod ng pagdukot at pagkulong sa kanyang pamilya. (RODERIC MENDOZA / UNTV News)

The post Amparo petition laban sa INC kaugnay ng kaso ni Lowell Menorca, hahawakan ng Court of Appeals 7th Division appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481