QUEZON CITY, Philippines — Desidido ang Quezon City government na magpatupad ng one way traffic sa ilang lugar sa siyudad.
Ayon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, ito ang nakikita nilang solusyon sa lumalalang traffic sa lungsod.
“Magkaroon ng identified dedicated road for trucks, public utility vehicles.”
Isa sa plano ang gawing one way o sa isang direksyon ang ilang malalaking kalsada.
Halimbawa kung ang E. Rodriguez Sr. Ave ay two way traffic at nagagamit patungong Cubao ang east bound lane at patungo namang España ang west bound lane sa bagong plano ng Quezon City magiging one way na lamang ito.
Kabilang din ang Aurora Blvd. sa paluluwagin ang daloy ng trapiko patungong Araneta, gayundin sa P. Tuazon, Scout Area at Del Monte papuntang La Loma.
“This are three areas lang na tingin ko will add up to the smooth traffic in Quezon City,” ani Bautista.
Gayunman, nilinaw ng alkalde na pag-aaralan pa nilang mabuti ang bagong traffic scheme bago ipatupad upang masigurong magiging epektibo ito upang mapaluwag ang trapiko. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)