Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

P10-M, nakalaang pabuya sa makapagtuturo sa pinagtataguan ni Napoles — PNoy

$
0
0
Ang larawang ipinalabas ng Department of Justice sa pamamagitan ng official Twitter account nito na @DOJPH nitong Miyerkules ng hapon para sa agarang ikadadakip ni Janet Lim Napoles kaugnay ng pork barrel scam. Ang reward ay nagkakahalaga ng P10-Million sa makapagbibigay ng impormasyon, makakadakip o makakapagturo kay Napoles. (DOJ)

Ang larawang ipinalabas ng Department of Justice sa pamamagitan ng official Twitter account nito na @DOJPH Miyerkules ng hapon para sa agarang ikadadakip ni Janet Lim Napoles kaugnay ng pork barrel scam. Ang reward ay nagkakahalaga ng P10-million sa makapagbibigay ng impormasyon sa kinalalagyan ni Napoles. Ang ibinigay na contact info ng DOJ para sa mga magsusumbong ay ang mga sumusunod:           >>> NBI (632)525-1141, (632)525-8231 loc.2509
>>> Asst.Reg.Dir. Rolando Argabioso (+63929) 295-8888
>>> Sp. Investigator Waldo Palattao Jr (+63917)583-8612
>>> Email: NBISTF@yahoo.com.ph or director@nbi.gov.ph (DOJ)

 

MANILA, Philippines —  Bibigyan ng sampung milyong pisong pabuya ang sinoman na makapagtuturo sa kinaroroonan ng may-ari ng JLN Corporation na nasasangkot sa P10 billion pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.

“Announce ko na sa inyo P10 million ang reward for information leading to the arrest of Ms. Napoles,” pahayag ni Pangulong Benigno Aquino III.

August 14, 2013 nang ilabas ng Makati Regional Trial Court ang warrant of arrest laban kay Napoles at sa kanyang kapatid na si Reynald Lim dahil sa kasong serious illegal detention.

Ayon sa pangulo, hindi sila titigil hangga’t hindi nadarakip si Napoles.

Binalaan din nito ang mga taong nagkakanlong sa magkapatid na tinutugis ng mga awtoridad.

“Harboring of a fugitive kaso yun, obstruction of justice kaso rin yun so yung babala palagay ko naman e kung may hustong pagiisip yung mga kumukupkop sa kanya e dapat maalala ito, at kung akala nila titigilan namin ang paghahanap dito ay nagkakamali sila,” babala ng Pangulo.

Samantala, may mga lumabas na balita na may mga taong tumutulong kay Napoles at pinoprotektahan ng armadong grupo sa kanyang pagtatago.

Inamin ni DOJ Secretary Leila De Lima na ang mga anggulong ito ay tinitingnan sa ngayon  ng National Bureau of Investigation.

Sinabi naman ng pangulo na sa ngayon ay wala pang plano ang pamahalaan na gawing state witness si Napoles kaugnay sa multi-billion pesos pork barrel scam.

Anang Pangulo, “yung pagiging state witness pag-aaralan yan pero importante muna may warrant of arrest kailangang maserve ng executive itong warrant of arrest.” (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481