PASAY CITY, Philippines — Itinakda na sa Huwebes, November 12, ang Senate probe ukol sa tanim-bala scam sa airport.
Ayon kay Senador Serge Osmeña III, acting chairman ng Committee on Public Services kailangang magpaliwanag ang mga opisyal ng Ninoy Aquino International Airport ukol dito.
Humingi na rin ang komite ng NBI report sa laglag bala scam at inimbitahan ang mga nabiktima.
Ani Osmeña, “We hope this Thursday. We’re trying to get the NBI report if it will be ready, and we’re trying to invite those who have been arrested.”
Paniwala ni Senador Osmeña may sindikato na nasa likod ng tanim bala scam dahil palaging OFW at matatanda ang mga nabiktima.
“I believe it has to be done by syndicate because there were those who plant the bullets, then later on different person collects the money, cashes in, expose the victim and collects the money.”
(BRYAN DE PAZ / UNTV News)
The post Tanim-bala probe ng Senado, uumpisahan na sa Huwebes appeared first on UNTV News.