MANILA, Philippines — Tapos na ang implementing rules and regulations (IRR) para sa Republic Act 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving Act.
Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Spokesman Jason Salvador, ipiprisinta na nila ang IRR sa mga stakeholder sa iba’t ibang panig ng bansa upang mas maunawaan at maintindihan.
Target ng LTO na mailathala ang IRR sa Setyembre 5 para umabot sila sa itinakdang deadline ng pagpapatupad sa Setyembre 20,2013.
Sa ilalim ng bagong batas, mas mahigpit na parusa ang ipapataw sa mga tsuper na mahuhuling nagmamaneho nang lasing. (UNTV News)