Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pop Jazz genre na “Para Sa’Yo”, tinanghal na ikalawang weekly winner sa ASOP Year 5

$
0
0
Ang ASOP Song of the Week "Para Sa'Yo" na likha nina Niño Mas at Carlos Lacson sa interpretasyon ni Angel Velasco. (Kenneth Valladolid / Photoville International)

Ang ASOP Song of the Week “Para Sa’Yo” na likha nina Niño Mas at Carlos Lacson sa interpretasyon ni Angel Velasco. (Kenneth Valladolid / Photoville International)

CALOOCAN, Philippines — Napaindak at napasabay sa pag-awit ang audience sa awiting “Para Sa’Yo” sa ikalawang linggo ng ikalimang taon ng A Song of Praise o ASOP Music Festival.

Ayon kay ASOP regular judge Doctor Musiko Mon del Rosario, isa itong Pop Jazz kung ika-classify dahil sa feel good lamang habang pinapakinggan.

Ito na ang ikalawang pagsali ng magkaibigang kompositor na si Carlos Lacson at Niño Mas na mula sa Kawit, Cavite.

Ani Lacson, “Hindi namin expected din talaga na mananalo. So ‘yun salamat nang marami sa lahat ng staff niyo rito.”

Pahayag naman ni Mas, “From first time, ballad ‘yung ginawa namin. So, nag-shift kami ng genre, music style. Kumbaga kung nag-shift ka ng music style hindi ibig sabihin o upbeat ‘yung kanta mo is hindi ka na pwedeng makapaggawa ng praise song, eh.”

Pahayag naman ng interpreter ng “Para Sa’Yo” na si Angel Velasco, “Iniisip ko po gagawin ko lang po ‘yung best ko para kay Lord. Feel na feel ko rin po kasi ‘yung kanta.”

Nagbigay ng magandang laban sa naturang awit ang mga komposisyon nina Ricardo Pura na “Tahanang Mong Langit” na inawit ni Eva Castillo at Jaime Parte na “Walang Hanggang Pangako Mo” na inawit naman ni Mark Cando.

Kasama naman sa mga hurado sina record producer Kedy Sanchez at international theater artist na si Ima Castro. (ADJES CARREON / UNTV News)

ASOP Judges on November 15 , 2015 episode. (Kenneth Valladolid / Photoville International)

ASOP Judges on November 15 , 2015 episode. (Kenneth Valladolid / Photoville International)

The post Pop Jazz genre na “Para Sa’Yo”, tinanghal na ikalawang weekly winner sa ASOP Year 5 appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481